Kung ako ang isang mamumuno sa isang kompanya ay
sisiguraduhin ko na maayos at maganda ang aking kompanya. Sisiguraduhin ko rin
na ang mga empleyado ko ay sumusunod sa mga alituntunin ng aking kompanya. At
kung ako ang mamumuno sa isang kompanya ay gagalingan ko para hindi masayang
ang pinaghirapan ng aking mga empleyado at ng aking mga kasosyo. Magiging
mabait ako sa aking mga empleyado at tatratuhin ko sila ng maayos at ituturing
ko rin sila na pamilya. Magiging isang mabuting pinuno ako sa aking mga
empleyado para maging maganda ang aking kompanya. Kailangan sa isang pinuno ay
marunong makisama o makisalamuha sa iba para walang maging problema. Kahit na
alam ko na ang maging isang pinuno ay mahirap na trabaho ay hindi ko susukuan
dahil kapag sinukuan ay wala nang mamumuno at mawawala na ang pinaghirapan
natin.
Kaya
kung ako ang mamumuno sa kompanya ay aking huhusayan para husayan rin ng aking
empleyado. Dahil naniniwala ako na kapag magaling ang namumuno sa isang lugar o
kompanya ay magaling rin ang mga
sumusunod o mga empleyado. Magiging responsible rin akon sa aking trabaho para maging responsable rin
ang aking mga empleyado sa kanilang trabaho.
No comments:
Post a Comment