Lahat ng tao sa mundong ito ay may pangarap. Pero hindi
lahat ng pangarap ng tao ay natutupad. Pero bakit nga ba hindi natutupad ng
ibang tao ang kanilang mga pangarap? Siguro dahil sa hirap ng buhay o dahil
hindi nila ito pinagsusumikapan. Dapat kapag tayo ay may pangarap sa buhay ay
kailangan natin itong pagsumikapan para ito ay ating makuha.
Ang dami kong pangarap sa buhay , pero hindi
ko ito maabot kung hindi ko ito pagsusumikapan. Kaya naman ngayon ay
nagsusumikap akong makapagtapos ng pag-aaral para maabot ko ang aking mga
pangarap. Nung ako ay bata ang nais kong kuning kurso o propisyon ang maging
doktor ng hayop o beterinaryo, dahil bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa
mga hayop at marami rin akong alagang hayop. Pero ngayong ako ay magkokolehiyo
na ay hindi ko pa rin alam kung anong kurso ang nais kong kunin dahil ang
daming kong nagugustuhan na kurso gaya na lamang ng kursong piloto. Gusto ko
ring maging piloto dahil pakiramdam ko na masarap makasakay ng eroplano at
manenuhin ang eroplano. At gusto ko ring makarating ng ibang bansa. Pero ang
pipiliin kong kurso ay kung saan ako magsasaya at kung ano kurso ang mas
malapit sa aking puso. At kung ano mang kurso ang aking kukuhanin ay ito ay
aking pagsusumikapan para ako ay makatapos ng pag-aaral at maabot ang aking mga
pangarap.
