Bilang isang
estudyante, ang kailangan sa pagtatrabaho ay ang pagiging masipag. Sa aking
karanasan nung ako ay nagtatrabaho ay kinailangan kong dagdagan ang aking
kasipagan para hindi matambakan ng mga gawain. Sa una mahirap dahil maraming gawain
pero kapag sinipagan natin ay magiging madali na an gating pagtatrabaho. Kung hindi
tayo magiging masipag sa ating trabaho ay mawawalan tayo ng gana sa
pagtatrabaho. Hindi rin tayo makaaangat sa buhay at hindi rin natin makukuha an
gating gusting makamit kapag hindi tayo nagsipag. Kung tayo ay masipag
maipapakita natin na mahal natin an gating trabaho. Kahit na minsan ay
nahihirapan tayo sa ating trabaho ay wag tayong susuko para hindi mawalan ng
trabaho.
Kung hindi tayo magsisipag sa ating
trabaho ay hindi magtatagumpay ang kompanyang ating pinagtatrabahuhan. Kaya’t
dapat kapag tayo ay nagtatrabaho ay ating sipagan para gumanda at maging
tagumpay ang kompanya. Para na din tayong nagtagumpay sa ating buhay dahil kung
hindi tayo nagsipag sa ating trabaho ay hindi magtatagumpay an gating kompanyang
pinagtatrabahuhan.
No comments:
Post a Comment