Monday, 22 October 2018

Blog Entry #10: Pangarap


             Lahat ng tao sa mundong ito ay may pangarap. Pero hindi lahat ng pangarap ng tao ay natutupad. Pero bakit nga ba hindi natutupad ng ibang tao ang kanilang mga pangarap? Siguro dahil sa hirap ng buhay o dahil hindi nila ito pinagsusumikapan. Dapat kapag tayo ay may pangarap sa buhay ay kailangan natin itong pagsumikapan para ito ay ating makuha.
             
             Ang dami kong pangarap sa buhay , pero hindi ko ito maabot kung hindi ko ito pagsusumikapan. Kaya naman ngayon ay nagsusumikap akong makapagtapos ng pag-aaral para maabot ko ang aking mga pangarap. Nung ako ay bata ang nais kong kuning kurso o propisyon ang maging doktor ng hayop o beterinaryo, dahil bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa mga hayop at marami rin akong alagang hayop. Pero ngayong ako ay magkokolehiyo na ay hindi ko pa rin alam kung anong kurso ang nais kong kunin dahil ang daming kong nagugustuhan na kurso gaya na lamang ng kursong piloto. Gusto ko ring maging piloto dahil pakiramdam ko na masarap makasakay ng eroplano at manenuhin ang eroplano. At gusto ko ring makarating ng ibang bansa. Pero ang pipiliin kong kurso ay kung saan ako magsasaya at kung ano kurso ang mas malapit sa aking puso. At kung ano mang kurso ang aking kukuhanin ay ito ay aking pagsusumikapan para ako ay makatapos ng pag-aaral at maabot ang aking mga pangarap.


Blog Entry #9: Ang Aking mga Natutunan


            Ang aking natutunan sa loob ng dalwang lingo naming pagtatrabaho sa City Veterinary at sa Candlelight Café ay dapat responsable tayo sa ating trabaho para magawa natin ng maayos ang ating trabaho. Dapat tayo ay matiyaga at masipag dahil kung hindi tayo magtitiyaga at magsisipag sa ating trabaho ay hindi natin makukuha ang nais natin at maaari ring matanggal tayo sa ating trabaho. Dapat bukal din sa loob natin an gating pagtatrabaho dahil kung hindi bukal sa loob natin ang  ating pagtatrabaho  ay hindi tayo magiging masaya sa ating trabaho.

            Higit sa lahat ay kailangang marunong tayong makisalamuha sa ibang tao para marami tayong makilala at maging kaibigan. Pede nating ituring na pamilya ang ating mga katrabaho at mga kaibigan at pede rin natin silang maging inspirasyon sa trabaho.   Magandang makisalamuha sa iba para makilala at makakilala tayo ng ibang tao. Kaya napakahalaga ng makisalamuha tayo sa iba dahil kung hindi tayo makikisalamuha ay wala tayong makikilala at magiging kaibigan.


Blog Entry #8: Mabuting Empleyado


            Kailangan maging isang mabuting empleyado tayo sa ating trabaho para matuwa sa atin ang ating kapwa empleyado at ang namumuno sa kompanya. Kapag hindi tayo nagging mabuting empleyado sa ating pinagtatrabahuhan ay maaaring matanggal tayo sa trabaho. Kapag naman tayo ay naging mabuting empleyado ay hindi tayo matatanggal at maaaring maging maganda ang ating posisyon sa ating trabaho.  Kagaya na lamang ng aking mga nakasama sa aming pagtatrabaho sa City Veterinary at Candlelight Café sila ay mga mabu uting empleyado.

            Ang aming nakasama sa City Veterinary ay sina Doc Diane.Doc Gold, Tita Nitz, Tita Agot, Kuya Rommel  at si Kuya Aldrin. Sila ay mga mabuting empleyado dahil tinuruan nila kami kung anong dapat naming gawin kapag nakagat ng mga hayop. Itinuro din nila sa amin ang kanilang mga nalalaman. Ang aming nakasama naman sa Candlelight Café ay sina Doc Marichu, Ate Mirna, Kuya Mak mak, at si Kuya Bernard. Sila rin ay mga mabuting empleyado , dahil tinuruan nila kami kung paano gumawa ng art. At kung hindi dahil sa kanilang lahat ay wala kaming malalaman tungkol sa kanilang trabaho.


Blog Entry #7: Bilang Isang Lider


           Kung ako ang isang mamumuno sa isang kompanya ay sisiguraduhin ko na maayos at maganda ang aking kompanya. Sisiguraduhin ko rin na ang mga empleyado ko ay sumusunod sa mga alituntunin ng aking kompanya. At kung ako ang mamumuno sa isang kompanya ay gagalingan ko para hindi masayang ang pinaghirapan ng aking mga empleyado at ng aking mga kasosyo. Magiging mabait ako sa aking mga empleyado at tatratuhin ko sila ng maayos at ituturing ko rin sila na pamilya. Magiging isang mabuting pinuno ako sa aking mga empleyado para maging maganda ang aking kompanya. Kailangan sa isang pinuno ay marunong makisama o makisalamuha sa iba para walang maging problema. Kahit na alam ko na ang maging isang pinuno ay mahirap na trabaho ay hindi ko susukuan dahil kapag sinukuan ay wala nang mamumuno at mawawala na ang pinaghirapan natin.

            Kaya kung ako ang mamumuno sa kompanya ay aking huhusayan para husayan rin ng aking empleyado. Dahil naniniwala ako na kapag magaling ang namumuno sa isang lugar o kompanya  ay magaling rin ang mga sumusunod o mga empleyado. Magiging responsible rin akon  sa aking trabaho para maging responsable rin ang aking mga empleyado sa kanilang trabaho.



Blog Entry #6: Ang Candlelight Cafe

                                    Image result for candlelight cafe lipa
          Ang ikalawa naming kompanyang pinagtrabahuhan ay ang Candlelight Café. Ang Candlelight Café ay matatagpuan sa Barangay Inosluban Marawoy ,Lipa City. Ang kompanyang ito ay isang “restaurant” at may gawaan ng kandila at plaster. Mayroon din dito na “Art Gym” na pwedeng matuto kung paano gumawa ng mga “arts”. Ang Candlelight Café ay isang magandang lugar sa mga taong mahilig sa “arts”. Ang pinaka gusto kong puntahan sa Candlelight Café ay ang tindahan ng kandila dahil dito ay maraming mga kandila na may iba’t-ibang disenyo at pagpinagmasadan ang mga ito ay parang hindi kandila dahil sa magandang disenyo. Ang isa pang gusto kong puntahan ay ang “Art Room” dahil napakaraming magagandang mga pinta at larawan na iginuhit dito na kay gandang pagmasdan.

            Dito sa Candlelight Café ay tinuruan din kami kung paano gumawa ng plaster mold. Napakadali lamang gumawa ng plaster ,ang una lamang ay kukuha ng plaster powder pagkatapos ay ilagay sa isang lagayan at lagyan ng tubig at hahaluin. Pagkatapos haluin ay ilalagay na sa silicon na may disenyo at pagnailagay na sa silicon ay maghihintay lamang ng limang minuto. Pagkatapos ng limang minute ay may plaster na. Pagkatapos naming gumawa ng plaster ay tinuruan naman kami ni Doc Marichu kung paano ang gagawin namin sa “Wall Mosaic”. Napakarami kong natutunan sa kompanyang ito kaya napakasaya ko dahil nakapagtrabaho ako dito.








Blog Entry #5: Tamang Pagtatrabaho


            Sa isang trabaho kailangan na magawa natin ng tama ang ating trabaho. Kung hindi natin magagawa ng tama ay magkakaproblema tayo sa trabaho. Kaya ang mahirap sa pagtatrabaho ay hindi magawa ng tama ang trabaho. Kung hindi natin magagawa ng tama ang ating trabaho ay maaring bumaba ang tingin sa atin ng may-ari ng kompanya. Maaari ding matanggal tayo sa trabaho kapag nagpaulit-ulit ang hindi tamang paggawa sa ating trabaho. Kaya kailangan nating magawa ng tama ang ating trabaho para maganada ang maipakita natin sa ating mga katrabaho at sa may-ari ng kompanya. Kapag maganda ang naipakita natinsa may-ari ng kompanya ay maaaring tumaas ang posisyon natin sa ating trabaho.

            Sa aming pagtatrabaho sa City Veterinary kailangan na tama ang aming gagawin. Katulad, kapag kami ay “nageencode ng data”. Kailangan tama ang mailagay naming sa “computer” sa bawat aso para kapag tiningnanang “record” ng aso ay tama ang impormasyong maibibigay tungkol sa aso. Kapag hindi tama an gaming nailagay sa “computer” ay mahihirapan silang maghanap at mali rin ang maibibigay na impormasyon tungkol sa aso. Kaya kailangan natin sa pagtatrabaho ay gawain ng tama ang ating trabaho at iwasan natin ang hindi paggawa ng tama.




Blog Entry #4: Ang Pagiging Masipag


                 Bilang isang estudyante, ang kailangan sa pagtatrabaho ay ang pagiging masipag. Sa aking karanasan nung ako ay nagtatrabaho ay kinailangan kong dagdagan ang aking kasipagan para hindi matambakan ng mga gawain. Sa una mahirap dahil maraming gawain pero kapag sinipagan natin ay magiging madali na an gating pagtatrabaho. Kung hindi tayo magiging masipag sa ating trabaho ay mawawalan tayo ng gana sa pagtatrabaho. Hindi rin tayo makaaangat sa buhay at hindi rin natin makukuha an gating gusting makamit kapag hindi tayo nagsipag. Kung tayo ay masipag maipapakita natin na mahal natin an gating trabaho. Kahit na minsan ay nahihirapan tayo sa ating trabaho ay wag tayong susuko para hindi mawalan ng trabaho.

                 Kung hindi tayo magsisipag sa ating trabaho ay hindi magtatagumpay ang kompanyang ating pinagtatrabahuhan. Kaya’t dapat kapag tayo ay nagtatrabaho ay ating sipagan para gumanda at maging tagumpay ang kompanya. Para na din tayong nagtagumpay sa ating buhay dahil kung hindi tayo nagsipag sa ating trabaho ay hindi magtatagumpay an gating kompanyang pinagtatrabahuhan.

Blog Entry #3: Ang City Veterinary

                                Image result for lipa city veterinary office       
                 Ang una kong kompanyang pinagtrabahuhan ay City Veterinary. Ang City Veterinary ay matatagpuan sa likod ng City Hall at ito ay katabi ng Ospital ng Lipa. Ang nakilala kong mga doktor sa City Veterinary ay sina Doktora Dianne , Doktora Gold at Doktor Samuel. Ang mga nakatrabaho ko naman ay sina Kuya Aldrin, Kuya Rommel, Tita Agot, Tita Nitz at marami pang iba.


               Dito sa City Veterinary dinadala ang mga hayop para pabakunahan ng “anti-rabie”. Dinadala rin dito ang ibang hayop kapag may problema o may sakit. Dito rin sa City Veterinary kinukuhanan ng dugo ang mga hayop para malaman kung may sakit ag hayop. Kapag lumabas ang resulta at ang nagging resulta ay walang sakit pede na itong dalhin sa ibang lugar.


               Sa City Veterinary, kapag nagtrabaho tayo dito ay itinuturo nila ang tungkol sa “anti-rabies”. Tinuturo din nila kung paano magturok at kung paano kumuha ng dugo. Tinuro din nila kung saan kukuhanan ng dugo ang mga hayop. Itinuturo din sa City Veterinary kung ano ang gagawin kapag nakagat ng asong may “rabies”. At sinasabi din ditto kung ano ang magiging epekto kapag nakagat ng asong may “rabies” kapag hindi agad nagpaturok. Taon-taon sila nagbabakuna ng mga aso at pusa para maiwasan ang kaso ng “rabies”.








Blog Entry #2: Ang Unang Araw ko sa Trabaho

                                  Image result for lipa city veterinary office
                Ang unang araw ko sa aming pagtatrabaho. Ang una kong pinuntahan ay City Veterinary. Nung una di ako makahintay na pumunta sa City Veterinary dahil dito sa kompanyang ito ay tungkol sa mga hayop. Pero may nararamdaman akong kaba dahil baka mahirap ang ipagawa sa akin. Pero nung nandun na kami sa City Veterinary ay halong emosyon  ang nararamdaman ko. Ako ay masaya na kinakabahan pero di ko na inintindi ang nararamdaman ko dahil mawawala rin ito. Pagkadating namin sa City Veterinary  ay sarado pa at ako ay naghintay pa. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Dra. Dianne De Leon at pagkadating ni Dra. Dianne De Leon ay binuksan na ang kanilang opisina. Nang mabuksan na ang kanilang opisina ay pinapasok na kami at umakyat sa ikalawang palapag. Nang nasa ikalawang palapag na kami ay kinausap kami ni Dra. Dianne De Leon tungkol sa aming gagawin sa kanilang opisina at nagkuwento din siya tungkol sa kanyang buhay, kung san siya pumasok at kung pano siya naging isang beterinarya. Ang aming ginawa sa City Veterinary ay naglilinis ng opisina. Tinuruan din ako ni kuya Aldrin yung paano mag "encode" ng "data". Nang naturuan na ako ay ako naman ang pinagawa niya. Pagkatapos kong mag"encode" ay nagkuwentuhan muna kami ng aking mga kasama sa "Work Immersion". At pagkatapos ay kumain na kami ng tanghalian.
   
                    Nang makatapos kaming kumain ng tanghalian ay bumalik na kami sa City Veterinary. Pagkabalik namin ay kinausap naman kami ni tita Agot tungkol sa rabies. Pagkatapos niyang sabihin sa amin ang tungkol sa rabies ay nakipagkuwentuhan siya sa amin hanggang sa kami ay umuwi.

Blog Entry #1: Ang Importanteng Ugali


            Ang importanteng ugali sa pagtatrabaho ay dapat masigasig, pakikisama, matiyaga, at may dedikasyon. Dapat masigasig tayo sa pagtatrabaho para magawa natin ng tama at maayos an gating trabaho. Kapag tayo ay masigasig sa ating trabaho ay maganda ang magiging epekto nito sa atin at sa kompanya. Dapat rin tayo ay makisama sa ating mga katrabaho para hindi magkaroon ng problema sa trabaho. Dapat tayong makisama sa ating mga katrabaho para makilala ang isa’t – isa at para maging kaibigan. Kung tayo ay makikisama ay makakapatulungan at magiging maayos at maganda an gating pagtatrabaho.

            Higit sa lahat dapat tayo ay matiyaga sa ating trabaho. Kahit mahirap ang trabaho ay wag tayong susuko bagkus tayo ay magtiyaga para maktulong sa kompanya at sa ating pamilya. Kapag tayo ay matiyaga sa ating trabaho ay magagawa natin ng maayos an gating trabaho. Kahit na mahirap basta’t tayo ay nagtiyaga ay masasanay na tayo sa ating trabaho at magiging madali na ang ating trabaho. Kung tayo ay may dedikasyon sa ating trabaho ay mas gaganahan tayong magtrabaho. Magiging masaya rin tayo kapag may dedikasyon dahil isa ito sa nagpapagaan ng ating nararamdaman.






Introduction

Ako si Fiorelo Zyron Recon. Labing-pitong taong gulang. Nakatira sa lungsod ng Lipa, Barangay Dagatan. Nag-aaral sa The Nazareth School.
             
                Halos lahat naman ay makararanas ng tinatawag nating 'Work Immersion'. Ano nga ba ang "Work Immersion"? Ang "Work Immersion" ay bahagi ng "Senior High School Curriculum" na kailangang magsagawa ng aktwal na trabaho upang maranasan ito ng mga estudyante at ang oras na kailangang mabuo ng mga estudyante at 80 oras. Maaari din itong paggaya lamang sa aktwal na trabaho. Kailangan ding gabayan ng eskuwelahan at empleyado ang mga estudyante. Hindi ito isang  aktwal na kasunduan para makapagtrabaho ng mga estudyante. Ito ay isang proseso lamang para maipakita sa mga estudyante ang proseso at para mapagbuti pa ang kaalaman na ibinabahgi ng mga eskwelahan.

                  Ang aking karanasan sa aming "Work Immersion". Nung una di ko alam kung paano ko matatapos ang 80 oras ko sa aming "Work Immersion" dahil wala akong ideya. Nagtanongtanong ako kung ano ang ginagawa kapag nagwowork immersion. Sabi nila parang nagtatrabaho lang daw kung ano yung ginagawa ng mga empleyado sa isang kompanya ay ganun din ang gagawin namin. Nung nalaman ko ang gagawin sa aming work immersion ay kinabahan ako dahil baka di ko kaya ang ginagawa nila at baka mali ang magawa ko. Dalawang kompanya ang aming pupuntahan para mabuo ang aming 80 oras. Ang pinuntahan naming kompanya ay konektado sa aming istrand. Ang dalwang kompanya na aming pagwowork immersionan ay City Veterinary at Candlelight Café. Masaya ako nung nalaman ko na ang una naming pupuntahan ay City Veterinary dahil ang City Veterinary ay tungkol sa mga hayop at gusto ang mga hayop katulad ng aso. Gustong-gusto kong makapunta agad sa City Veterinary para madagdagan pa ang aking kaalaman tungkol sa mga hayop. At gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ng mga beterinarya sa kanilang opisina. Ang sunod naming pinuntahan ay ang Candlelight Café. Akala ko nung una ay ay basta lang isang tindahan ng kape ang Candlelight Café. Pero nung nagpunta kami ay hindi lang pala basta tindahan ng kape. Ang Candlelight Café ay may tindahan ng kape, may gawaan ng kandila, at may "Art Gym" sila at marami akong natutunan sa Candlelight Café.