
Ang unang araw ko sa aming pagtatrabaho. Ang una kong pinuntahan ay City Veterinary. Nung una di ako makahintay na pumunta sa City Veterinary dahil dito sa kompanyang ito ay tungkol sa mga hayop. Pero may nararamdaman akong kaba dahil baka mahirap ang ipagawa sa akin. Pero nung nandun na kami sa City Veterinary ay halong emosyon ang nararamdaman ko. Ako ay masaya na kinakabahan pero di ko na inintindi ang nararamdaman ko dahil mawawala rin ito. Pagkadating namin sa City Veterinary ay sarado pa at ako ay naghintay pa. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Dra. Dianne De Leon at pagkadating ni Dra. Dianne De Leon ay binuksan na ang kanilang opisina. Nang mabuksan na ang kanilang opisina ay pinapasok na kami at umakyat sa ikalawang palapag. Nang nasa ikalawang palapag na kami ay kinausap kami ni Dra. Dianne De Leon tungkol sa aming gagawin sa kanilang opisina at nagkuwento din siya tungkol sa kanyang buhay, kung san siya pumasok at kung pano siya naging isang beterinarya. Ang aming ginawa sa City Veterinary ay naglilinis ng opisina. Tinuruan din ako ni kuya Aldrin yung paano mag "encode" ng "data". Nang naturuan na ako ay ako naman ang pinagawa niya. Pagkatapos kong mag"encode" ay nagkuwentuhan muna kami ng aking mga kasama sa "Work Immersion". At pagkatapos ay kumain na kami ng tanghalian.
Nang makatapos kaming kumain ng tanghalian ay bumalik na kami sa City Veterinary. Pagkabalik namin ay kinausap naman kami ni tita Agot tungkol sa rabies. Pagkatapos niyang sabihin sa amin ang tungkol sa rabies ay nakipagkuwentuhan siya sa amin hanggang sa kami ay umuwi.
No comments:
Post a Comment