Ang
importanteng ugali sa pagtatrabaho ay dapat masigasig, pakikisama, matiyaga, at
may dedikasyon. Dapat masigasig tayo sa pagtatrabaho para magawa natin ng tama
at maayos an gating trabaho. Kapag tayo ay masigasig sa ating trabaho ay
maganda ang magiging epekto nito sa atin at sa kompanya. Dapat rin tayo ay
makisama sa ating mga katrabaho para hindi magkaroon ng problema sa trabaho.
Dapat tayong makisama sa ating mga katrabaho para makilala ang isa’t – isa at
para maging kaibigan. Kung tayo ay makikisama ay makakapatulungan at magiging
maayos at maganda an gating pagtatrabaho.
Higit sa lahat dapat tayo ay matiyaga sa
ating trabaho. Kahit mahirap ang trabaho ay wag tayong susuko bagkus tayo ay
magtiyaga para maktulong sa kompanya at sa ating pamilya. Kapag tayo ay
matiyaga sa ating trabaho ay magagawa natin ng maayos an gating trabaho. Kahit
na mahirap basta’t tayo ay nagtiyaga ay masasanay na tayo sa ating trabaho at
magiging madali na ang ating trabaho. Kung tayo ay may dedikasyon sa ating
trabaho ay mas gaganahan tayong magtrabaho. Magiging masaya rin tayo kapag may
dedikasyon dahil isa ito sa nagpapagaan ng ating nararamdaman.
No comments:
Post a Comment